Mga kataga

, , , ,

ZAMBOANGA CITY

MAY 1, 2011


MAYO UNO ay ARAW NG POOT para sa masang anakpawis at sambayanang Pilipino. Lubos na makatarungan na ipahayag natin ang ating galit sa mabilis na pagdausdos na kabuhayan ng manggagawa at mamamayan sa ilalim ng gobyernong Aquino.

Sa loob lamang ng ilang buwan mula nang nailuklok sa pwesto at sa kabila ng pangako ng maginhawang buhay sa pamamagitan ng pagtahak sa “matuwid na daan,” ipinakita ng goyernong Aquino ang kanyang pagiging inutil sa harap ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin at sa pagiging manhid sa kahirapan na dinadanas ng mamamayan sa kawalan ng aksyon upang ibigay na ang makatarungan at matagal nang napapanahong dagdag-sahod ng manggagawa – sa pribado o pampublikong sektor.

‘DI IMPOSIBLE ANG DAGDAG SAHOD.

Banta ng mga malaking kapitalista na magdudlot ng paglaki ng inflation rate ang ipinanawagang wage increase. Ayon sa mga ito, ‘di makabubuti ang dagdag sahod dahil maraming maluluging negosyante at dahil dito, dadami ang mga walang hanapbuhay. Isa itong kasinungalingan! Ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation, makakaltasan lamang ng 15 porsyento ang kabuuang kita ng mga kumpanya kung ipagkakaloob ang P125 na dagdag sahod.

Samakatwid, may kakayahan ang mga kumpanyang may 20 empleyado pataas na ibigay ang dagdag-sahod. Kaya’t isang lohikal na kahiligan ang sigaw ng mangagagawa at mamamayan para sa angkop na dagdag sahod.

KUNG GUSTO, MAY PARAAN; KUNG AYAW, MARAMING DAHILAN.

Kung tutuusin, kung mayroon lamang political will ang gobyernong Aquino ay kaya nitong ipaglaban ang masang anakpawis  at mamamayan – ang mga tinatawag n’yang “boss” n’ya. Napatunayan na ito ng bansang Venezuela na kamakailan lamang ay nagdeklara ang kanilang pangulo ng 25% wage increase. Subalit ang pagmamaliit ng gobyernong Aquino sa usapin ng dagdag sahod ay nagpapatunay lamang na wala sa kanyang prayoridad ang paglaban sa interes ng uring manggagawa. Kaya ngayong Araw ng Manggagawa ay ating lalong paigtingin, sa pamamagitan  ng sama-sama nating panawagan at paglahok sa mobilisasyon para sa dagdag sahod. Ipakita natin ang ating poot sa sabay-sabay nating isigaw:

Sahod, itaas! Presyo, ibaba! 

P125 across the board para sa private sector workers! 

P6,000 monthly increase para sa public sector workers!

Nonoy Librado Development Foundation Inc. || ANAKBAYAN || GABRIELA || Liga ng Kabataang Moro || TRANSMISSION-PISTON || Suara Bangsamoro